#003
Aloha! I'm back. I just wanted to share this poem I wrote yesterday while waiting at the National Statistics Office. I just have the inspiration to write this down after attending a simple birthday gathering of one of my dearest friend, Abby last Sunday. This is so timely for us because yesterday marks our 3rd year of friendship. My girls and I haven't gone to any celebration yesterday, so we just greeted each other on SMS and Facebook.

I won't go for any long introduction for now. I still have so much in mind about them that I can't put it into words. Maybe I'll reserve those for further post here in my blog.
This poem is written in Tagalog/Filipino. So to my foreign blog visitors, I think my page has a feature where you can translate it in your native language I just don't know if it'll corresponds each word accurately. Thank you. :)
So here it goes...
Sa Aming Ikatlong Taon...
by: Anna Aguilar
Kasabay ng aking pakikinig sa musika
Ay ang pagkatha ng mga salita.
Mga munting talatang maglalahad
Sa kwento ng aming pagkakaibigang sagad.
Sa Instagram, Twitter at Facebook
Thursday daw ay throwback, Friday naman ang Flashback.
Pero ngayon trip kong mag back track.
Hindi ng mga tugtugang sumikat noong unang panahon,
Kundi ng mga pagkakataong dadalhin ko sa mga susunod pang taon.
Sa Sintang Paaralan sa may Sta. Mesa
Naganap ang mga unang eksena.
First year college ng magkakila-kilala,
Sapagkat iisang kurso ang kinuha.
Byahe pauwi kami’y makikita nyo sa jeepney.
Mga batang taga- Kyusi, sa may Seattle naglalagi.
Pag nag-abot ng bayad kay manong drayber, ito lagi ang aming sambit:
“Tatlong Sandigan, dalawang Tandang Sora, Isang Montessori.
Estudyante, nag-aaral ng mabuti.”
Tatlong taon ng pagkakaibigan
Samu’t saring mga kaganapan.
Galaan, tawanan at kwentuhan ay laging nandyan,
Subalit may tampuhan din naman paminsan-minsan.
Ngayo’y hindi na madalas magtagpo,
Dahil sa schedule na medyo malabo.
Pero sa mga pagkakataong pinagbubuklod-buklod,
Pihadong kabag ang aabutin mo.
Kaya ngayong ating anibersaryo
Ito ang handog ko sa inyo.
Mga salitang mula sa aking puso
Pagkat kayo’y mga kaibigang totoo.
Maraming Salamat at Mahal ko kayo.
Di ko na alam kung paano tatapusin ito.
Pero isa lang ang sigurado ako.
Ang pagkakaibigang ito ay hindi magtatapos sa kolehiyo.
Kaya naman Maligayang Anibersaryo sa inyo.
© area2013
No comments:
Post a Comment